sa umagang hindi ko inaasahang darating pa
sa mga notebook at lapis na nagsisilbing kalayaan ko
sa hopiang monggo na pumawi ng sakit ng tyan
sa pintong hindi humadlang sa tawag ng kalikasan
sa maligalig na araw pangtuyo ng nakatulugang labada
sa kaibigang nakalimutan kong tulungan
sa orasang bantay at paalala
sa tunog ng treng nagtatanggol na maayos pa ang aking pandinig
sa nanay at tatay na parang thermometer na consistent sa pagmo-monitor
sa aking mga biik na marunong maghugas ng pinggan, maglaba, magplantsa, at mag-ipon
sa mukhang muli kong masisilayan
sa tatay sa Panginoon na laging nangangaral
sa dalawang tinig na lagi kong nami-miss
kahit hindi ako karapat-dapat sa mga ipinagpapasalamat ko
salamat po
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento